Kantina inangalan

MANILA, Philippines - Umaangal na ang mga empleyado sa New Executive Building (NEB) ng Palasyo dahil sa mataas na presyo ng pagkain sa Canteen na pinapatakbo ng kooperatiba dito.

Anila, animo’y presyo ng Casa Roces na isang fine dining restaurant sa tapat ng NEB ang pagkain sa kantina na pinapatakbo ng Malacanang Employees Cooperative.

Wika pa ng mga empleyado, ang kanin ay biglang itinaas ng P10 kada cup at ayaw pang magbenta ng kalahating ulam.

“Nagmamadali naman silang kumita ng malaki. Ang kooperatiba ay dapat tumulong sa kanilang mga miyembro na kumakain din sa kantina pero dahil sa sobrang taas ng presyo ay lumalabas na lamang sila,” wika pa ng isang empleyado.

Show comments