^

Bansa

20 katao sugatan sa buhawi

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinalanta ng buhawi ang dalawang komunidad na ikinasugat ng 20-katao habang nasa 50 namang kabahayan ang napinsala  sa Cagayan de Oro City noong Biyernes ng hapon.

Sa pinakahuling ulat ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Council na ipinarating sa tanggapan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos, agad na isinugod sa ospital ang ilan sa biktima.

Kabilang sa mga nasu­gatan ay ang fish vendor na si Edwin Saguilayan, 34, ng Zone 10, Brgy. Patag.

Bandang alas-3:10 ng hapon nang magulantang ang mga residente ng Zone 2,   10 at 11  sa Brgy. Patag  gayundin sa  Brgy. Buala sa malakas na hangin at ugong sa himpapawid na kanilang narinig na sinundan ng pananalasa ng buhawi.

Naitala namang sa 70-pamilya ang naapek­tuhan kung saan ay 50 kabahayan ang tuluyang nawasak.

Nabatid na maraming mga punong kahoy din ang nabuwal kung saan ilan dito ay dumagan sa kabahayan.

Kasalukuyan namang kinukupkop sa brgy. hall ang mga residenteng naapektuhan.

vuukle comment

BANDANG

BIYERNES

BRGY

BUALA

EDWIN SAGUILAYAN

KABILANG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

ORO CITY

ORO CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PATAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with