^

Bansa

Landmine: 4 colonel ligtas 5 sundalo sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat na military colonel ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan habang limang sundalo naman ang iniulat na nasugatan matapos masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Malita, Davao del Sur kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Davao del Sur Provincial Police Office (PPO) Director P/Senior Supt. Roland de la Rosa, dakong alauna y medya ng hapon habang bumabagtas sa highway ng Barangay Ticulon ang convoy ng mga sundalo patungo sa Little Baguio, nang magulungan ng truck ang ibinaong landmine ng mga rebelde.

Kabilang sa mga sakay sa military convoy ay sina Army’s 1002nd Infantry Brigade commander Col. Glorioso Miranda;  39th Infantry Battalion commander Lt. Col. Oliver Artuz; Lt. Col. Alexis Bravo, commander ng Army’s 27th IB at si Army’s 73rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Adolf Espuelas.

Sugatan din ang limang sundalo na sina M/Sgt. Lucio Tanio Jr., Sgt. Melchor Quimba, Pfc. Romelito Deloria, Corporal Lourdy Cabatian at si Corporal Judy Cabaya na pawang naisugod sa  Southern Phi­lippines Medical Center sa Davao City.

Kinondena naman ng mga opisyal ng militar ang patuloy na paggamit ng landmine ng NPA sa isinasagawa nitong pag-atake na labag sa International Humanitarian Law.  

ADOLF ESPUELAS

ALEXIS BRAVO

BARANGAY TICULON

CORPORAL JUDY CABAYA

CORPORAL LOURDY CABATIAN

DAVAO

DAVAO CITY

DIRECTOR P

GLORIOSO MIRANDA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with