Death toll kay Juaning: 35 na, 25 pa nawawala
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 35 katao ang death toll kabilang ang dalawang pulis na nasawi sa rescue mission sa Ifugao habang 25 pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Juaning partikular na sa Bicol Region, Southern at Northern Luzon.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, karamihan sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.
Sinabi ni Ramos, 36 rin ang naitalang nasugatan habang 52 ang nasagip.
Kabilang sa nadagdag sa death toll ang dalawang bayaning pulis na sina PO2s Jessie Domingo at Ricky Angwit na pawang kasapi ng Aguinaldo Municipal Police Station (MPS).
Ang dalawa ay kapwa miyembro ng rescue team na nalibing ng buhay sa landslide habang tinutulungan ang tatlong empleyado ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR na maiahon ang sasakyan na nalubog sa maputik na highway sa bayan ng Aguinaldo, Ifugao dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules.
Kahapon ay narekober na rin ang tatlo pang bangkay na nalibing sa landslide sa Ifugao.
- Latest
- Trending