MANILA, Philippines - Minaliit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na military buildup ng China sa konstruksyon ng dalawang aircraft carriers nito sa pinag-aagawang Spratly Island sa West Philippine Sea (South China Sea).
Sinabi ni AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez na batid ng AFP ang ginagawang aircraft carriers ng China sa lugar pero kumpiyansa silang hindi ito makakaapekto sa isyu.
Batay sa ulat, nasa pinal na estado na ang China sa konstruksyon ng 2 aircraft carrier na idedeploy sa Hainan Region.
Sa kasalukuyan ay naglalayag na patungong Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar, ang kauna-unahang Hamilton Class Cutter ng Philippine Navy na galing sa Hawaii at pinaandar ng US Navy crew.
Ang nasabing barko ay idedeploy ng Navy sa West Philippine Sea upang mapalakas pa ang patrol operations sa pinag-aagawang isla.