Agosto 29, 30 walang pasok
Manila, Philippines - Makakaasa ng mahabang weekend sa mga huling araw ng Agosto ang mga empleyado at estudyante dahil bukod sa walang pasok sa Agosto 27 at 28, Sabado at Linggo, wala ring pasok sa Agosto 29 at 30.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang Agosto 29 ay holiday dahil sa National Heroes Day samantalang holiday din sa Agosto 30 dahil sa pagtatapos ng Ramadan o Eid Fitr.
Ang Ramadan na isang mahalagang tradisyon ng mga Muslim ay magsisimula sa Agosto 1 at tumatagal ng 30 araw.
Lalabas na apat na araw ang bakasyon mula Sabado hanggang Martes o Agosto 27 hanggang 30.
Pero nilinaw ni Valte na hindi holiday ang araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Lunes.
Ipapaubaya rin umano sa mga maapektuhang paaralan na malapit sa House of Representatives kung idedeklarang walang pasok.
Kalimitang nagsisikip ang trapiko sa kahabaan ng Commonwealth at sa mga kalsadang malapit sa Batasan Complex dahil sa volume ng mga sasakyan at sa raliyistang taun-taong sumusugod sa SONA.
- Latest
- Trending