^

Bansa

Illegal terminal ng mga FX sa Edsa dahilan ng trapiko

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ang illegal na terminal umano ng mga FX sa MRT-Edsa Trinoma sa Quezon City ang nagiging dahilan umano ng madalas na trapiko sa naturang lugar partikular sa kahabaan ng North Edsa, QC.

Ayon sa mga nagrereklamong commuters at motorista na dumadaan sa lugar tuwing rush hour sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, malala ang trapiko sa lugar dahil sa ginagawang pila umano ang naturang lugar ng mga FX ang kahabaan ng Edsa sa baba ng MRT station tapat ng Trinoma mall patungo sa North bound lane. Labis umanong ipinagtataka ng mga motorista at pasahero kung bakit pinapayagan ng mga awtoridad ang pila ng mga naturang FX sa lugar.

Kabilang umano sa mga pila ng FX sa Edsa-MRT North ay ang biyaheng Malolos Bulacan-MRT North, Novaliches-MRT, Talipapa-MRT at Fairview-MRT.  

Bigo din umano si MMDA chairman Francis Tolentino­ at LTO chief Virgie Torres na aksyunan ang naturang problema.

Labis umano nilang ipinagtataka kung bakit pinapayagan ng MMDA at LTO na gawing pila ng mga FX ang lugar gayong illegal ang mga ito at nagiging dahilan ng malalang trapiko sa kahabaan ng Edsa lalo na tuwing rush hour.

Nanawagan naman ang mga commuters at public­ utility drivers na dumadaan sa lugar kay DOTC Sec. Mar Roxas na aksyunan ang problema ng trapik. 

EDSA

EDSA TRINOMA

FRANCIS TOLENTINO

LUGAR

MALOLOS BULACAN

MAR ROXAS

MRT

NORTH EDSA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with