Nasa likod ni Col. Mariano 'huhubaran' ng AFP
MANILA, Philippines - Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may mastermind na nag-udyok na posibleng nasa likod ng kontrobersyal na panawagan ni Marine Col. Generoso Mariano na patalsikin na sa kapangyarihan ang liderato ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez, binuo na ni Navy Chief Rear Admiral Alexander Pama ang isang Special Investigating Committee para imbestigahan ang naging aksyon ng sinibak na si Mariano na naantala ang pagreretiro noong Hulyo 17 bunga ng insidente.
Ang nasabing probe body ay pinamumunuan ni Marine Major General Eugenio Clemen, Deputy Commandant ng Philippine Marine Corps, na binigyan ng ultimatum na hanggang Miyerkules para tapusin ang imbestigasyon.
Kasabay nito, ay sinisilip na rin ang ugnayan ni Mariano kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo dahilan ang ‘oust Pnoy call move ‘ nito na ipinoste sa social networking sites tulad ng you tube, facebook at iba pa ay wala umanong ipinag-iba sa mga pagbatikos ng dating punong ehekutibo sa pamamalakad sa gobyerno ni PNoy.
Bukod kay Arroyo, aalamin rin ng AFP kung may kinalaman ang civil society leader na si Linda Montayre at kampo ni Vice-President Jejomar Binay sa nasabing “Youtube at facebook sensation” kasunod ng pagsingaw ng kanilang pangalan sa isyu. ?
Magugunita na noong Biyernes ng gabi ay sumingaw ang pagkalat sa facebook, you tube at iba pang social networking sites sa panawagan ni Mariano na patalsikin na sa kapangyarihan si PNoy dahilan sa ‘incompentency’ na pamunuan ang gobyerno partikular na ang kabiguang matugunan ang kahirapan.
Naniniwala naman si retired Marine Col. Ariel Querubin na nauto lamang ng kung sinong “utak” si Mariano at sinabing scripted ang mga pinagsasabi ng marine official sa social networking sites.
- Latest
- Trending