^

Bansa

Gun ban kinuwestiyon ni Miriam

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Kinuwestyon kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang legalidad ng gun ban na ipinatupad ni  Western Visayas ni Police Director Cipriano Querol Jr., sa walong bayan sa Iloilo.

Ang gun ban na inaprubahan ni Philippine National Police Chief Raul Bacalzo, ay ipinatutupad sa mga bayan ng Ajuy, Sara, Estancia, Balasan, Carles, Concepcion, Batad, at San Dionisio na sakop ng 5th district ng Iloilo.

Isinangkalan sa pagpapatupad ng gun ban ang pagsugpo sa mga loose firearms at ang tumataas ng kriminalidad sa mga nabanggit na lugar.

Pero hindi umano kasama sa gun ban ang mga bayan ng  Barotac Viejo, San Rafael, at  Lemery na sakop din ng distrito.

Tanging ang mga miyembro ng PNP at militar at iba pang law enforcement agencies na may official business ang at nakasuot ng uniforme ang maaaring magdala ng baril sa walong bayan na sakop ng gun ban.

Ayon kay  Santiago,  walang naganap na konsultasyon upang tingnan kung nararapat at may batayan ang pagpapatupad ng gun ban.

Maging si Iloilo Governor Arthur Defensor umano ay naniniwala na mali ang ipinatupad na gun ban dahil wala naman itong basehan at hindi totoong mataas ang kriminalidad sa walong lugar na apektado ng kautusan.

Nangangamba si Defensor sa mga nangangailangan ng seguridad sa labas ng kanilang tahanan at maging sa mga opisyal ng gobyerno na may natatanggap ng death threats.

Base umano sa mga news reports, bumaba ng 40 porsiyento ang crime rate sa distrito mula Abril hanggang Hunyo nitong taong kasalukuyan.

BAN

BAROTAC VIEJO

GUN

ILOILO

ILOILO GOVERNOR ARTHUR DEFENSOR

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF RAUL BACALZO

POLICE DIRECTOR CIPRIANO QUEROL JR.

SAN DIONISIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with