P186-M plunder
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng plunder sa Department of Justice (DOJ) ng kasalukuyang Pagcor Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. at Atty. Jay Santiago, chief legal counsel, sina dating Pagcor chief Efraim Genuino at 40 iba pa dahil sa maanomalyang paglustay ng P186 milyon pondo ng korporasyon sa naging transaksiyon nito sa BIDA foundation Inc. at iba pang entries mula 2003 hanggang 2010.
“The filing of this case is a testament of our commitment to the public and to our employees that we will come out with the truth , and we will go after those who have committed wrongdoings against Pagcor in the past” pahayag ni Pagcor chief Naguiat.
Sinabi ni Naguiat na nagkaroon ng conflict of interes ang Bida foundation dahil ang mga officers din ng Pagcor ang nangangasiwa dito .
Noong 2009 hangang 2010 anya ang pinaka malaking pondo na nalustay ng nagdaang administrasyon ng Pagcor nang magkaloob ito ng malaking pondo sa Bida Foundation nang gawin itong partylist sa nagdaang 2010 elections kung saan ang anak ni Genuino ang itinalagang nominee para dito.
Sinabi pa ni Naguiat na ang pagkuha ng pera sa Pagcor ay idinaan sa naturang foundation upang makaiwas sa bidding at regulasyon ng Commission on Audit (COA).
Ang P186 milyon aniya ay ginamit karamihan sa ads, pagpapa-imprenta at political propaganda ng foundation at planong pagpasok sa pulitika ni Genuino.
Binigyang diin ni Naguiat na ikatlong beses na nila itong pagsasampa ng kaso sa nagdaang pangasiwaan ng Pagcor sa ilalim ng Arroyo administration dahil sa paglustay umano ng pondo na hindi napunta sa kapakinabangan ng taumbayan.
- Latest
- Trending