2 lolo sangkot sa kasong rape

MANILA, Philippines - Tinutugis ngayon ng pulisya ang dalawang lolo matapos ireklamo ng panghahalay laban sa dala­wang kapitbahay na babae sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ng pulisya ang dalawang wanted na sina Lolo Indo, 70, ng Brgy. Almacen sa bayan ng Unisan, Quezon; Rogelio Inejos, 69, ng Brgy. Kalibo, Caluag. Base sa police report, si Lolo Indo ay inakusahan ng panggagahasa at pagbuntis sa kanyang kapitbahay na may kakulangan sa pag-iisip noong Disyembre 2010. Samantala, si Inejos ay isinangkot sa panghahalay sa kanyang kapitbahay na babae noong Hunyo 21, 2011.

Show comments