^

Bansa

Phl 'di bibitiw sa Spratlys

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Aquino na hindi bibitiw ang Pilipinas sa pag-angkin sa Spratly islands at hindi raw ma­duduwag ang gobyerno kahit mas malaking bansa ang China.

Ayon sa Pangulo, hindi naman puwedeng yuyuko na lamang ang gobyerno natin sa mga kagustuhan ng ibang bansa bagkus ay ipagla­laban natin ang ating teritoryo kahit super power ang kalaban.

Wika pa ni PNoy, hindi nakikipag-away o nakiki­pag-giyera ang bansa sa China kundi nais lamang natin protektahan ang teritoryo natin lalo ang hindi naman kasama sa Spratlys.

Magugunita na nagpadala ng warship na BRP Rajah Humabon ang AFP sa karagatan malapit sa Spratly islands upang bantayan ang Scaborough Shoal at Recto island na undisputed territory at hindi kasama sa Spratly island.

Idinagdag pa ni Aquino, kapag hinayaan na lamang ng bansa na angkinin ng China ang part ng Spratlys na sakop natin ay mawawala na ang claim natin dito.

AQUINO

AYON

IDINAGDAG

IGINIIT

MAGUGUNITA

RAJAH HUMABON

SCABOROUGH SHOAL

SPRATLY

SPRATLYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with