Egay nakalabas na ng bansa - PAGASA
MANILA, Philippines - Nakalabas na ng bansa ang bagyong Egay makaraang magdala ng mga pag-uulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.
Gayunman, iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAgASa) na patuloy na mag-iibayo ang habagat kayat mananatiling maulan sa Luzon bagamat may isa na namang inaasahang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong Martes.
“Hindi siya nag-landfall sa atin pero nagpaulan nang husto ang habagat na in-enhance niya. Patuloy pa niyang hinihikayat kaya ang southwest monsoon patuloy pa ring magbibigay ng ulan sa Western Luzon at Visayas, kabilang na riyan ang Metro Manila..maaaring mag landfall si Egay sa parting Hong kong o China,” pahayag ni Elvie Enriquez, forecaster ng PAgAsa.
Kahapon, si Egay ay namataan sa layong 160 kilometro hilagang kanluran ng Aparri o nasa layong 130 kilometro kanluran ng Basco, Batanes taglay ang hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Anya, kalat-kalat na pag ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at hindi singlakas ng mga ulan nitong nakaraang araw ng linggo.
- Latest
- Trending