Sistema ng edukasyon nasa state of calamity na - ACT
MANILA, Philippines - Idineklara ng isang grupo ng mga guro na nasa state of calamity na ang buong sistema ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Frank Castro, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), napakaraming suliranin ang hindi nabibigyan ng solusyon sa tuwing nagsisimula ang pasukan ng mga estudyante sa mga paaralan.
Partikular na tinukoy ni Castro ang kakulangan ng maraming bilang na silid aralan, guro, upuan, banyo at libro.
Sinabi ni Castro, palpak umano ang ipinatutupad na K+12 program ng Department of Education (DepEd) dahil pinasimulan na ito kahit hindi pa man nareresolba ang maraming problema.
Ani Castro, may kabuuang 2 milyong bata sa kindergarten ang pumasok ngayon taon sa mga pampublikong paaralan at karamihan sa mga ito ay nagsisiksikan sa isang silid aralan.
Hinimok ng ACT si Pangu long Aquino na ibahagi nito sa sector ng edukasyon ang kanyang emergency at discretionary fund para sa pagpapatayo ng mga silid aralan at pag-empleyo ng dagdag na guro.
- Latest
- Trending