Hataman OIC gov. sa ARMM

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Palasyo na plantsado na ang pag-upo ni dating Anak Mindanao Partylist Rep. Mujiv Hataman bilang officer in charge ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni Presidential Political Adviser Ronaldo Llamas, lumutang lamang ang pangalan ni Hataman dahil ito sana ang susuportahan ni Pangulong Aquino kung sakaling natuloy ang ARMM polls.

Nilinaw din ni Llamas na mayroong proseso na pagdadaanan ang pagpili ng OIC sa ARMM.

Pero ibinunyag naman ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na si Hataman ang ineendorso ni PNoy nung pulungin silang mga governor na sakop ng ARMM sa Palasyo habang pinagtatalunan pa sa Senado ang postponement ng halalan sa rehiyon.

Show comments