^

Bansa

5 ex-PCSO officials kakasuhan sa P42-B contract

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Limang dating opisyales ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng nakaraang administrasyon ang posibleng kasuhan kaugnay sa ibinasurang P42-bil­yon kontrata sa isang Australian firm.

Ang mga posibleng kasuhan ay sina dating PCSO general mana­ger at board vice-chair Rosario Uriate, da­ting mga board members na sina Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero at Ma. Fatima Valdes dahil sa paglagda nila sa resolution no. 2171 noong Nov. 24, 2009 na nag-aprub sa contractual joint venture agreement (CJVA) sa TMA Group of Companies na isang Australian firm para sa P42-B kontrata sa loob ng 50 taon para sa thermal paper.

Magugunita na binalewala at idineklarang null and void ng kasalukuyang PCSO board ang nasabing kontrata dahil na rin sa pag-aaral at opinyon ni Acting Government Corporation Counsel Atty. Raoul Creencia tungkol sa PCSO-TMA contract.

Inaprubahan ng ka­salukuyang PCSO board members na sina Atty. Ma. Aleta Tolentino, Atty. Francisco Joaquin III, Atty. Mabel Mamba at Betty Nantes ang resolution 180 na nagdedeklarang null and void ang kontrata ng PCSO sa TMA.

Inaprubahan din ng Juico board na sampahan ng kaukulang kaso ang mga lumagda sa resolution no. 2171 para sa supply agreement na nagkukunwa­ring joint venture.

Ang PCSO ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ni Chairperson Margie Juico.

Ayon sa PCSO boards secretary na si Atty. Eduardo Araullo, ipaghaharap nila ng kaso ang mga ex-PCSO board bago matapos ang taong 2011.

ACTING GOVERNMENT CORPORATION COUNSEL ATTY

ALETA TOLENTINO

BETTY NANTES

CHAIRPERSON MARGIE JUICO

EDUARDO ARAULLO

FATIMA VALDES

FRANCISCO JOAQUIN

GROUP OF COMPANIES

INAPRUBAHAN

PCSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with