^

Bansa

E-trike ipinasa sa House

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines -  Dalawang unit ng solar at battery-powered na E-tricycle ang ipinasa kahapon sa House of Representatives para sa ebalwasyon at paggamit nito.

Tinanggap ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang mga E-trike na produkto ng Technostrat Corp., isang subsidiary ng W inace Holdings Philippines, Inc.

Ang turn-over ay inis­yatiba ng Ang Kasangga Partylist sa pangunguna ni Rep. Teodorico T. Haresco sa pakikipagtulungan ng Technostrat Corporation

Sina Haresco at Technostrat Chief Scientist at President Brian Stanley-Jackson ang imbentor ng E-trike.

Sinabi pa ni Haresco na ang halaga ng isang E-trike ay halos katulad din ng sa standard na tricycle.

Ang makina ng E-trike ay pinapaandar ng baterya na kumukuha ng lakas sa araw, walang polusyon o i­ngay. Kaya hindi ito umaasa sa langis at makakatipid ng malaki ang operator nito.

Umaasa sina Haresco at ang Technostrat na ba­lang araw ay mapapalitan na ng tahimik at environment-friendly e-trike ang mayorya ng 1.5 milyong rehistradong tricycle sa bansa.

ANG KASANGGA PARTYLIST

HARESCO

HOLDINGS PHILIPPINES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

PRESIDENT BRIAN STANLEY-JACKSON

SINA HARESCO

TECHNOSTRAT CHIEF SCIENTIST

TECHNOSTRAT CORP

TECHNOSTRAT CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with