^

Bansa

Pinas nagprotesta vs China

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dahil sa paglipana ng mga Chinese war plane, navy ships at pagtatayo ng kampo sa Spratlys, naghain na ng protesta ang Pilipinas laban sa pamahalaang China.

Sa pamamagitan ng isang note verbal o summon na ipinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Mayo 31, hiniling ng Pilipinas na magpaliwanag ang Charge d’ Affaires ng Chinese Embassy hinggil sa nagaganap na lihim na pagkilos ng China sa pagdadagdag ng kanilang military force at pagtatayo ng kampo sa Reed Bank o sa Spratlys Groups of Islands.

Gustong klaruhin ng DFA sa China ang pagtatayo ng kanilang military camp at paglutang ng China Marine Surveillance vessel at People’s Liberation Army Navy sa bisinidad ng Iroquois (Army Douglas) Bank.

Bagaman sinasabing wala pang nakatayong istraktura, ang kampo at military ships ng China na inilagay nila sa bisinidad ng Iroquis Bank ay may 26 nautical miles ng Patag Island at 125 nautical mile mula sa Palawan.

Sa pulong nina China’s CDA Bai Tian at Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, iginiit ng huli na ilegal ang bagong pagtatayo ng China ng kanilang post sa Iroquois Bank sa Spratlys.

Noong Mayo 27 ay hiniling ng DFA na ilatag ng China ang kanilang talagang planong lokasyon ng paglalagay ng mega oil rig at pinunto na hindi dapat na ilagay ito sa saan mang lugar na sakop o teritoryo ng Pilipinas.

ARMY DOUGLAS

BAI TIAN

CHINA

CHINA MARINE SURVEILLANCE

CHINESE EMBASSY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SEC

IROQUIS BANK

IROQUOIS BANK

LIBERATION ARMY NAVY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with