Taiwanese products na may 'DEHP' tukoy na
MANILA, Philippines - Tinukoy na ng Taiwan Food and Drug Administration (TFDA) ang ilang produkto na pinaniniwalaang kontaminado DEHP, isang uri ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga plastic products.
Kabilang sa mga produktong ito ay Nature House Lactic Acid Bacteria (apple vinegar-flavored lactic acid powder) na gawa ng King Car Group; Skinny Dietary Drinks ng Chang Gung Biotechnology Corp.; Taiwan Sugar Ginger Clam Tablets ng Taiwan Sugar Corp. at Dongli Sports Drinks at Dongli Lemon Sports Drinks.
Sa Pilipinas, nakikipag-ugnayan na rin sa Bureau of Customs at mga local governments officials ang mga health officials ng bansa para matiyak na ligtas sa mga “high-risk” products galing Taiwan ang publiko.
Ayon kay FDA deputy director Nazarita Tacandong, partikular din umano nilang tututukan ang mga eskuwelahan sa harap na rin ng nalalapit na pagbubukas ng klase.
Una ng ipinag-utos ng FDA sa mga supermarkets at mga retail stores ang pag-recall sa mga Taiwanese products na pinaniniwalaang kontaminado ng kemikal na DEHP o Di(2-ethylhexyl) phthalate.
Ang mga nabanggit na produkto ay klasipikadong carcinogenic o nakakakanser kung regular ang intake.
Kamakalawa ay boluntaryo na ring tinanggal ng ilang mga supermarkets ang mga produktong galing sa Taiwan upang matiyak ang kaligtasan ng mga consumers.
- Latest
- Trending