Kahit lumabas na si Chedeng, Phl uulanin pa rin dahil sa habagat

MANILA, Philippines - Tuluyan nang naka-alis si Chedeng, pero patuloy na makakaranas ang bansa ng pag-ulan bunga ng tinatawag na southwest monsoon.

Base sa weather bulletin ng PAGASA, ang southwest monsoon ay makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Habang Ang Kalak­hang Maynila ay makakaranas ng maulap na kala­ngitan na may pag-ulan.

Patuloy pa ring pina­alalahanan ng PAG­ASA ang publiko na mag­­ dala ng payong o anumang pananggalang sa ulan upang makaiwas sa anumang pagkakabasa na magreresulta sa kanilang pagkakasakit.

Si Chedeng ay nag-iwan ng tatlo kataong patay.

Show comments