Pagkain, seasoning mula Taiwan binabantayan
Manila, Philippines - Minomonitor ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga pagkain at iba pang seasoning na galing Taiwan matapos na impormahan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang pamahalaan na ang mga pagkain at additives na galing dito ay posibleng kontaminado ng Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP).
Ayon kay FDA Director Suzette H. Lazo, M.D. masusi ang kanilang ginagawang pagsisiyasat dahil ang naturang kemikal ay ginagamit sa paggawa ng intravenous bags, tubings, blood bags at infusion tubings at nasogastric tubes.
Sinasabing ang DEHP ay illegal na hinahalo upang umalsa ang pagkain.
Nabatid na posibleng magkaroon ng problema sa fertility, pagkalason ng kidney at testicular effects ang sinumang bata na makakain ng mataas na antas ng nasabing kemikal sa pagkain.
Kamakailan ay inimpormahan ng Taiwan government ang Department of Health na isang kompanya ang nag-iimport ng mga food products na naglalaman ng DEHP.
- Latest
- Trending