Pangulong Marcos ayaw nang patulan pasaring ni Duterte
Sa pagpapalibing kay Marcos Sr
MANILA, Philippines — Ayaw nang patulan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ambush interview sa pangulo sa kanyang pamamahagi ng ayuda sa Laurel, Batangas para sa mga biktima ng bagyong Kristine, sinabi nito na sa halip, ang dapat aniyang pag-usapan ay kung ano ang nangyari sa lalawigan ng Batangas matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.
Sinabi ng Pangulo na nakita naman ang lawak ng naging sira sa imprastraktura na kanilang iniinspeksyon at maging ang kabuhayan ng mga residente doon na naapektuhan ng kalamidad.
“I don’t want to talk about--- I need to talk about what’s happened here,” giit pa ni Marcos.
Nauna nang sinabi ni dating pangulong Duterte na hindi siya maniningil ng utang na loob sa pamilya Marcos dahil sa ginawang pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Giit ni Duterte, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho kaya walang utang na loob sa kanya ang mga Marcos at wala rin siyang utang na loob sa kanila dahil hindi sila magkakakilala o magpinsan.
- Latest