Witness vs Dominguez bros. giit ikulong muna sa QC jail
Manila, Philippines - Hiniling ng isa sa mga umano’y miyembro ng Dominguez carnapping group na ipakulong ng QC court sa QC Jail si Alfred Mendiola dahil sa pagkakadiskubre na lumalabas ito sa shelter ng Witness Protection Program na hindi otorisado.
Sa mosyong inihain ni Atty. Marc Terry Perez, abogado ni Jayson Miranda sa QCRTC Branch 215, binigyang diin nito na dapat tratuhing ordinaryong akusado si Mendiola kayat hindi ito dapat payagang labas masok sa naturang shelter.
Ipinaliwanag ni Perez na hindi pa naman inaaprubahan ng korte kung pasok si Mendiola sa requirements para maging state witness at hindi na maisasama sa kasong carnapping with homicide na hinaharap ng mga arestadong miyembro ng Dominguez group.
Hanggat wala pa umanong desisyon ang korte ay dapat hindi pa isinasailalim si Mendiola sa WPP bagkus ay dapat ipakulong muna ito sa QC jail.
Si Mendiola ang umaming kasama ng grupo at nagdetalye kung ano ang nangyari sa napatay na car dealer na si Venzon Evangelista.
- Latest
- Trending