NBP director inginuso ni Diokno
MANILA, Philippines - Ang hepe ng New Bilibid Prisons (NBP) ang dapat umanong sibakin at hindi si Bureau of Corrections (BuCor) director Ernesto “Totoy” Diokno sa nabunyag na paglabas-masok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa kulungan.
Ayon kay Diokno, si Chief Supt. Ramon Reyes, na hepe NBP, ang dapat patawan ng parusa at hindi siya. Aniya, siya ay sa policy-making lamang.
Mariin namang kinontra ni Senior State Prosecutor Susan Dacanay, chairman ng DOJ panel ang pahayag ni Diokno dahil sa ilalim anya ng batas ay hindi lamang ang aspeto ng paggawa ng polisiya ang dapat tutukan ng Bucor chief kundi ang pagpapatupad din ng mga ito.
Nanindigan si Diokno na hindi sa kaniyang pamumuno nagsimula ang mga maling sistema sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) at sa halip ay nadatnan na niya ito mula sa mga dating humawak ng national penitentiary.
Ayon kay Dikono, mula sa isyu ng droga at paglabas-masok ng mga bilanggo ay dati nang ginagawa ngunit unti-unti niyang inaayos.
Pero puna ng DoJ probe team kay Diokno, bakit hindi nito inagapan ang ilang kaso ng pagpuslit ni Leviste sa kabila ng pagkakaroon nito ng impormasyon sa nasabing isyu.
- Latest
- Trending