^

Bansa

Korapsiyon lalala sa 'pay to stay'

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ang mga mayayaman na tulad lamang ni dating AFP comptroller Gen. Carlos Garcia ang makikinabang sa panukalang “pay to stay prison” scheme at lalo pang lalala ang korapsiyon sa bansa.

 Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares tatakpan lamang ng panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na “pay to stay” ang problema na kinakaharap ng prison system ng bansa dahil magkakaroon lamang ito ng diskriminasyon at pagkahati sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na preso kung saan ang mga walang kakayahang magbayad ay magtitiis sa maliit, madumi at crowded na kulungan habang ang mga mayayaman ay hindi man lang mararamdaman na nakapiit sila.

Idinagdag pa ng kongresista na taliwas ang panukala sa layunin na rehabilitasyon ng nagkasala at mauuwi pa ito sa pera-pera na sistema at ang isa sa masisiyahan sa panukalang ito ay si Garcia dahil mayroon itong perang panggastos.

Samantalang ang panukala naman umano ni Sen. Juan Miguel Zubirin na ilipat sa isang isla tulad ng Alcatraz ang mga bilanggo ay hindi rin solusyon sa problema dahil mahihirapan naman ang pamilya ng mga mahihirap na bilanggo na mabisita sila sa kulungan kung masyadong malayo at nasa isla ang bilangguan.

Ang solusyon umano dito ay siguruhin ng gobyerno  na ang panguna­hing papel ng kulungan ay reporma at hindi lamang para parusahan.

Sinabi pa nito na dapat na patalsikin ang mga opis­yal na sangkot sa korupsyon, kabilang na ang mga kasama sa kaso ni dating Batangas Gob. Antonio Leviste.

ALCATRAZ

ANTONIO LEVISTE

AYON

BATANGAS GOB

BAYAN MUNA REP

CARLOS GARCIA

JUAN MIGUEL ZUBIRIN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NERI COLMENARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with