P-Noy bibisita sa Thailand
Manila, Philippines - Nakatakdang bumisita si Pangulong Noynoy Aquino sa Thailand sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisita ng Pangulo na itinakda sa darating na Mayo 26-27 ay bunsod sa imbitasyon ni Thai Prime Minister Adbihit Vejjajiya.
Layunin umano nito na mapatatag ang bilateral relations ng Pilipinas sa Thailand at ang kooperasyon nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para tumulong na maisulong ang ‘prosperous ASEAN Community” sa 2015.
Nagsimula ang bilateral relations ng dalawang bansa noong 1949 at nananatiling matatag hanggang ngayon.
Inaasahan na makakadaupang-palad ng Pangulo ang Thai Prime Minister at Thai business groups .
Nakatakda ring makipagkita ang Pangulo sa mga Filipino community doon upang pasalamatan sa kanilang pagsusumikap na makapag-ambag ng malaki sa kaban ng bayan at tingnan na rin ang kanilang kalagayan.
- Latest
- Trending