Pichay sinuspinde ng Ombudsman
MANILA, Philippines- Sinuspinde ng anim na buwan ng tanggapan ng Ombudsman si Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman Prospero Pichay kaugnay ng umano’y pagwaldas ng pondo na umaabot ng P780 milyon.
Sa resolusyong ipinalabas ni acting Ombudsman Orlando Casimiro, sa loob ng suspension order ay walang anumang matatanggap na benepisyo si Pichay.
Umani ng batikos si Pichay makaraang bilhin umano nito ang isang bangkong malapit nang malugi.
Kasunod nito, binigyan ng Ombudsman ng kopya ng desisyon si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. upang agad maipatupad ang kautusan.
Si Pichay ay itinalaga bilang LWUA chairman ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2008.
Bilang reaksyon, tinawag naman ni Pichay na political harassment ang pagsuspinde sa kanya ng Ombudsman.
Tatlo pang opisyal ng LWUA ang sinuspinde ng Palasyo ng 90 araw dahil sa P380 milyong misappropriations nito sa pagbili ng isang thrift bank.
Sinuspinde sina LWUA trustees Bonifacio Mario Pena, Susana Dumao Vargas at Renato Velasco dahil sa maanomalyang pagbili ng stocks sa Laguna-based Express Savings Bank gamit ang pondo ng LWUA. (
- Latest
- Trending