Depositors ng BP babayaran na

MANILA, Philippines - Sisimulan nang bayaran ng Philippine Deposit  Insurance Corporation (PDIC) ang mga depositors ng nabangkaroteng Banco Filipino na may malalaking deposito.

Ayon kay PDIC Acting President Cristina Orbeta, na sa kalagitnaan ng Huyo ay babayaran na nila ang mga may deposit sa Banco Filipino na mula sa P10,000 pataas.

Sa ngayon umano ay umaabot na sa 60,000 depositors ang kanilang nabayaran mula nang mapasailalim sa receivership ng PDIC.

Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, sinabi din ni Orbeta na ang Top 20 borrowers ng BAnco Filipino ay pawang ghost borrowers. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

Show comments