^

Bansa

Gutierrez kinasuhan sa DOJ

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng mga kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez ka­ugnay sa bigong pag-aksiyon sa P728-M ferti­lizer fund scam case.

Mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3(e), Obstruction of Justice, perjury and false testimony ang  inihain laban kay Gutierrez ng mga complainant na kinabibilangan nina Anakpawis Representative Rafael V. Mariano; Danilo Ramos, Secretary General ng Kilusang Magbubukid ng Pilpinas; Zenaida Soriano, Secretary General ng  National Federation of Peasant Women; Fernando Hicap, pinuno ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas; Rodel Mesa, Secretary General ng  Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura; Alexander Pinpin, Secretary General ng  Kalipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog-Katagalugan; Jose Canlas, Chairperson ng Alyansa ng mga Magsasaka ng Gitnang Luzon; Reynaldo Abrogena, Chairperson  ng  Danga­yan Dagiti Mannalon Ti Cagayan Valley; at  Atty. Edre Olalia, Secretary General ng National Union of Peoples’ Lawyers.

Sa 10-pahinang complaint affidavit, tinukoy ng mga complainant ang pagbalewala ni Gutierrez sa 40 reports na inihain ng Task Force Abono, isang special probe body na itinatag ng Tanggapan ng  Ombudsman na tututok lamang sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa P728-M fertilizer fund scam.

Naniniwala ang mga complainant na malinaw na paglabag sa  Section 3 (e) ng anti graft law o  Republic Act 3019 ang ginawa ni Gutierrez at maituturing na obstruction of justice.

ALEXANDER PINPIN

ANAKPAWIS REPRESENTATIVE RAFAEL V

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT SECTION

DAGITI MANNALON TI CAGAYAN VALLEY

DANILO RAMOS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDRE OLALIA

REPUBLIC ACT

SECRETARY GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with