^

Bansa

'Bebeng' nagbabanta sa Eastern Samar

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Patuloy na kumikilos ang bagyong Bebeng sa bahagi ng hilagang sila­ngan ng Borongan, Eastern Samar.

Sa latest report ng PAGASA kahapon ng umaga, ang bagyo ay namataan sa layong 190 kilometro hilagang silangan ng Borongan taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at kumikilos sa direksiyon ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras

Inaasahang si Bebeng ay nasa layong 60 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes ngayong Linggo ng gabi at nasa layong 140 kilometro silangan hilagang silangan ng Baler, Aurora sa Lunes ng gabi.

Gayunman, nakataas pa rin ang public storm signal number 1 sa mga lugar ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Ticao, Burias islands, Leyte, Samar provinces at Biliran island.

Pinapayuhan ng PAG­ASA ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na mag-ingat sa banta ng pagguho ng lupa at pagbaha dahil sa epekto ng ulan na mararanasan dulot ni Bebeng.

ALBAY

BEBENG

BILIRAN

BORONGAN

BURIAS

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CATANDUANES

EASTERN SAMAR

GAYUNMAN

INAASAHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with