^

Bansa

2 nasawing piloto ng Air Force ililibing ngayon

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bibigyan ng full military honor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghahatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ngayon araw na ito ang dalawang piloto ng Airforce na kapwa nasawi sa isang plane crash sa Bataan noong nakalipas na araw ng Huwebes.

Alas-10 ng umaga nakatakdang ilibing sina Maj. Ephraim Gatus Suyom, 37, pilot instructor,  top notcher at class valedictorian ng PMA class 1997 “Kalasag ng Lahi” at co-pilot nitong si Capt. Reymond de Leon.

Pagkakalooban din ng 21-gun salute at parade of honor ang dalawa.

Ang dalawa ay kapwa nasawi makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang S-211 trainer jet, sa Banawang Village, Bagac, Bataan malapit sa Stela Mariz Beach Resort habang nagsasagawa ng “routine proficiency flight”.

Sa loob ng limang gabing lamay ay ibat-ibang mataas na opisyal ng pamahalaan, mga kasama sa Airforce, AFP at lokal government units ang dumalaw sa burol para makiramay sa pamilya ng dalawang nasawing piloto.

Si AFP chief of staff Lt. Gen. Eduardo Oban Jr., ay personal din nakiramay sa pamilya ni Ephraim at de Leon noong Sabado ng gabi at nagpahayag ng labis na pagkalungkot at panghihinayang sa maagang pagkamatay ng dalawang magaling, masipag at matalino nilang piloto.

AIRFORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGAC

BANAWANG VILLAGE

BAYANI

BIBIGYAN

CAPT

EDUARDO OBAN JR.

EPHRAIM GATUS SUYOM

STELA MARIZ BEACH RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with