^

Bansa

Moratorium vs pagmimina hiniling kay Aquino

-

MANILA, Philippines- Malaki ang paniniwala ni Boac, Marinduque Bishop Reynaldo Evangelista na panahon na upang ipatupad ni Pangulong Benigno Aquino IIII ang moratorium sa pagmimina sa bansa matapos ang panibagong mudslide sa Compostela Valley na kinamatay ng walong minero.

Ayon kay  Evangelis­ta, matagal na itong panawagan ng Simbahang Katoliko subalit hindi nakikinig ang gobyerno.

Aniya, napakaraming delikadong lugar sa Pilipinas na itinuturing ng DENR, Mines and Geosciences Bureau na delikadong galawin sa pagmimina tulad ng Sibuyan island sa Romblon dahil mawawala ito sa mapa ng Pilipinas.

Gayunman, binigyan diin ng Obispo na sa kabila ng banta ng malawakang kalamidad na idudulot ng pagmimina ay nagpapatuloy pa rin ang small at large scale mining sa bansa.

Panawagan ng Obispo, dapat ipag-utos ni Pangulong Aquino ang pagpapatigil ng pagmimina  sa bansa upang hindi na maulit ang trahedya tulad ng nangyari sa Sitio Panganason Barangay Kingking sa bayan ng Pantukan Compostella Valley.

Subalit ipinahayag ni Aquino na pabor ito sa pagmimina ng malalaking kumpanya kaysa sa small-scale mining.

May ilang mga suppor­ter si PNoy noong eleksyon na mayroong minahan tulad ni Eric Gutierrez na may nickel mining sa Butuan City at Bicol.

Itinalaga pa si Gutierrez bilang consultant ng Manila Economic Cooperation Office (MECO). (Doris Franche)

AQUINO

BUTUAN CITY

COMPOSTELA VALLEY

DORIS FRANCHE

ERIC GUTIERREZ

MANILA ECONOMIC COOPERATION OFFICE

MARINDUQUE BISHOP REYNALDO

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with