12 pagyanig naramdaman sa Taal

MANILA, Philippines - Nagtala ng 12 volcanic quakes ang paligid ng bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology, base sa ob­serbasyon at pagsukat na ginawa sa eastern sector sa bunganga ng lawa ay nakita na ang temperatura dito ay nadagdagan mula 30.5 hanggang 31.5 degrees celsius.

Nanatili naman sa Alert Level 2 ang bulkan na may interpretasyon na ang magma ay pumapasok patungo sa ibabaw.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang main crater ng Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro ay mahigpit na ipinagbabawal dahil sa ma­pa­nganib na singaw at mataas na konsentrasyon ng toxic gases na maaring maipon at posibleng magdala ng pagsabog.

Bukod pa dito, ang ka­­buuang isla ng bulkang Taal ay inilagay sa Permanent Danger Zone (PDZ), at ang perma­nenteng paninirahan dito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Show comments