^

Bansa

Sakit na hindi na tinatablan ng gamot, dumarami

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pag­kabahala ang World Health Organization sa pagtaas ng bilang ng mga sakit na hindi na tinatablan ng gamot.

Ayon kay Dr. Soe Nyunt-u, country representative to the Philippines ng World Health Organization (WHO), dahil sa walang kontrol na paggamit ng antibiotics, dumami ang bilang ng mga bacteria, virus, fungi at parasite na drug resistant.

Bukod pa ang pagdami ng mga medical professional na hindi naghuhugas ng matapos na gumamit ng cellphone bago hawakan ang kanilang pasyente na nagiging dahilan aniya ng pagkalat ng mga drug-resistant bacteria.

Gayunman, mahirap aniyang tukuyin sa ngayon kung ilan talaga ang bilang ng mga pasyenteng namatay dahil mga nasabing kaso pero, nakakaalarma aniyang may mga ganitong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nanawagan naman si Health Sec. Enrique Ona sa publiko na uminom lang ng tamang klase at dami ng antibiotics base sa inirereseta ng doktor at iwasan ang self medication.

AYON

BUKOD

DR. SOE NYUNT

ENRIQUE ONA

GAYUNMAN

HEALTH SEC

NAGPAHAYAG

NANAWAGAN

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with