^

Bansa

VAT sa langis 'di aalisin

- Ni Rudy Andal -

ILOILO ,Philippines  - Hindi pabor si Pangulong Aquino na alisin ang VAT sa produktong petrolyo upang maka­bawas ito sa presyo ng oil products.

Sinabi ng Pangu­lo, mas malaki ang ma­wawala sa gobyerno sa sandaling alisin ang VAT sa petrolyo kaya minabuti niyang aprubahan na lamang ang fuel subsidy bilang tulong sa public utility jeep (PUJ) at tricycle.

Idinagdag pa ni PNoy sa media briefing matapos nitong pangunahan ang pamimigay ng Philhealth cards, land certificates at conditional cash transfer sa mga beneficiaries nito na ginanap sa Iloilo capitol, kapag inalis ang VAT sa oil ay mas maraming proyekto ng gobyerno ang maaapektuhan dahil dito nagmumula ang pondo nito.

Aniya, nasa P1 bil­yon ang nakokolekta sa VAT on oil kaya malaking kawalan sa gobyerno kapag pinaboran ito.

Magugunita na ina­pru­bahan ni Pangulong Aquino ang P500M fuel subsidy para sa PUJ at tricycle bilang tulong ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng preyo ng gaso­lina.

ANIYA

GOBYERNO

IDINAGDAG

ILOILO

MAGUGUNITA

PANGU

PANGULONG AQUINO

PHILHEALTH

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with