^

Bansa

Pagbagsak ng rating ni PNoy, totoong damdamin ng taumbayan - Magsaysay

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ang resulta ng pina­kahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumaba ang rating ni Pangulong Benigno Aquino III ay sumasalamin umano sa tunay na sintem­yento ng mga Pilipino.

Sinabi ni Zambales Rep. Milagros Magsaysay, sawa na umano ang mga mamamayan sa political rating o pag-iingay ni PNoy kaya unti-unting lumiliit ang ratings na nakukuha nito.

Base sa SWS Survey na isinasagawa ngayong Marso lamang, 51% ang satisfaciton rating ni Aquino na bumaba ng 13% mula sa 64% na nakamit nito noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Iginit pa ni Magsaysay na umaasa ang publiko ng sensitibidad at aksyon mula kay PNoy upang matugunan ang mga nagpapahirap sa mga Pilipino tulad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo,kuryente,tubig at pagkatin; fare-hike sa mga pangunahing transportasyon, unemployment at paghihirap ng mga Overseas Filipino Workers na ang ilan ay patuloy na naiipit sa mga kaguluhan sa Abroad.

Ayon sa Kongresista, na kilalang miyembro ng oposisyon sa Kamara, ang hinihintay ng sambayanan ay solusyon ng Aquino admiistration sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pinoy na nakakaranas ng hirap at problema. 

AQUINO

AYON

IGINIT

MILAGROS MAGSAYSAY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINO

SOCIAL WEATHER STATIONS

ZAMBALES REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with