^

Bansa

'Sagip Ilog' ng Las Piñas umani ng parangal sa UN

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakopo ng programang “Sagip Ilog” ng Villar Foundation ang pinakamataas na parangal makaraang mapanalunan ang United Nations Best Practices Award dahil sa rehabilitasyon sa ilog ng Las Pinas-Zapote at pagbibigay ng trabaho sa mga naninirahan sa paligid nito.

Personal na tinanggap ni dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar ang ‘Best Water Management Practices” award sa nakaraang World Water Day noong Marso 22 sa Zaragosa, Spain. Dinaig ng Pilipinas ang 38 pang bansa sa naturang kategorya.

Gumagamit ang Villar Foundation ng backhoe, barges, at garbage traps bilang paglilinis sa 30 kilometrong kahabaan ng naturang ilog. 

Kaiba sa ilang progra­ma, hindi itinuturing na ba­sura ang mga “water lily” na dating kumukulapol sa ilog. Sa halip, inaani ito ng mga residente at gi­nagawang mga basketbag, at ibang kasangkapan na ibinibenta sa lokal na pamilihan at ini-export.

Dahil dito, unti-unting lumuluwag ang Las Piñas-Zapote River kung saan nabubuhay na muli ang mga isda na maaari nang mahuli ng mga mangingisda bilang pagkain.

Nakapaloob rin sa programa ang pagtatanim ng kawayan sa paligid ng ilog na pangunahing mater­yales naman sa paggawa ng mga parol sa Las Pinas na kilala bilang “Parol Capital” ng Pilipinas. Ginagawa ring abono ang nako­kolektang mga organic na basura, ginagawang lam­bat ang mga kusot ng niyog na itinapon sa palengke at ginagamit na materyales ang mga dinurog na basu­rang plastic sa paggawa ng hollowblocks.

vuukle comment

BEST WATER MANAGEMENT PRACTICES

CYNTHIA VILLAR

LAS PI

LAS PINAS

LAS PINAS REP

LAS PINAS-ZAPOTE

PAROL CAPITAL

PILIPINAS

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with