^

Bansa

Nuke plant tumagas na hanggang karagatan

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Kumalat na hanggang karagatan ang radioactive materials na tumagas mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa Japan at pinangangambahang makaapekto sa karagatan ng mga kalapit na bansa.

Kasabay nito, pinalilikas na rin ang mga residente na nasa 20-30 kilometrong layo sa planta dahil umaabot na umano ang radiation threat sa 10 milyong beses na mas mataas mula sa normal level nito.

Ito’y matapos ang patuloy na meltdown o pagtagas ng reactor 2 dahil sa pagkasira ng core nito at pagtagas ng reactor vessels.

May 3 trabahador na ng planta ang isinugod sa ospital matapos na makaapak ng tubig na ang radiation level ay 10,000 na mas mataas sa normal level.

Samantala, sa sukat ng Japan Nuclear Safety Agency (JNSA) umaabot na ngayon ang radiation level sa 1,850 times sa pangkaraniwang antas ng tubig sa karagatan kumpara sa unang sukat na 1,250 noong Sabado.

Sinasabi ng JNSA na matutunaw o mawawala na ang radiation particles sa tubig bago pa man makain ng mga isda at seaweeds.   

Bunga nito, ipinagbawal na ng US, China at iba pang mga bansa ang pag-aangkat ng pagkain at seafoods (aquatic animals o aquatic products) na nagmula sa Fukushima, Tochigi, Gunma, Ibaraki at Chiba sa Japan na kontaminado ng radiation.

 

BUNGA

FUKUSHIMA

FUKUSHIMA DAIICHI NUCLEAR POWER PLANT

GUNMA

IBARAKI

JAPAN NUCLEAR SAFETY AGENCY

KASABAY

KUMALAT

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with