MANILA, Philippines - Kahit summer season ay sobrang lamig ngayon sa tinaguriang “summer capital of the Philippines” matapos bumagsak sa 11.6 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City, ang pinakamababang naitala ng PAGASA, kahapon ng madaling araw.
Una nang sinabi ng PAGASA na makakaranas ang bansa ng malamig na klima ngayong summer dahil sa umiiral na hanging amihan.
Ayon naman kay Baguio City Tourism officer Benny Alhambra, makikinabang ang lunsod sa malamig na klima laluna ngayong summer dahil isa ang magandang klima sa dinarayo ng mga turista at bisita na nagnanais magpalamig.