2-child policy inalis sa RH bill
MANILA, Philippines - Inalis na ng isa sa may-akda ng Reproductive Health (RH) Bill ang probisyon sa panukalang batas na nanghihikayat sa mga magulang na magkaroon na lamang ng dalawang anak.
Naghain na si House Minority Leader Edcel Lagman ng amendment upang ibasura ang Section 20 ng House Bill 4244 o ang Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population Development Act of 2011.
Nakasaad sa Section 20 na “The State shall assist couples, parents and individuals to achieve their desired family size within the context of responsible parenthood for sustainable development and encourage them to have two children as the ideal family size. Attaining the ideal family size is neither mandatory nor compulsory. No punitive action shall be imposed on parents having more than two children.”
Nilinaw ni Lagman na ipinag-utos niya ang pag-aalis sa 2-child policy dahil ang mga magulang umano na mayroong mahigit nang dalawang anak ay hindi na maaring parusahan kahit na maipasa pa ang naturang batas
Giit pa ng kongresista, ang pagtatanggal sa probisyong ito ay nagbibigay kasiguruhan na mawawala na ang kalituhan tungkol sa stand ng RH bill patungkol sa tamang laki ng pamilya.
Ipababasura din niya ang probisyon na ang sex education ay gawing mandatory para sa elementary at high school students.
- Latest
- Trending