^

Bansa

PCA head, CoP nasa hot water

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nasa hot water ang officer-in-charge ng Philippine Coconut Authority sa lalawigan ng Quezon at ang Chief of Police sa Tayabas, Quezon matapos umanong balewalain ang kautusan na ilabas ang apat na truck na pag-aari ng isang negosyante kahit na may kautusan mula sa Municipal Trial Court (MTC).

Sina PCA OIC Ronaldo Rosales at Tayabas PNP Commander Chief Insp. Allan Ray Co., ay ipinagharap ng contempt of court, graft at administrative charges sa MTC at sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Marissa Basilo, coconut lumber trader mula sa Pangasinan, Oktubre pa noong nakaraang taon nang kumpiskahin umano ni Co sa utos ’di umano ni Rosales sa Ta­ya­bas, Quezon ang tatlong truck na may coconut lumber.

Gayunman, ibinasura ng Provincial Prosecutor ng Quezon, na si Dione Bustonera, ang kaso laban sa dalawang opisyal kung saan Oktubre 18 nang iutos din ng piskal ang pag-release ng trucks at ng kanilang mga kargamento.

Oktubre 20 ng ihahatid ni Basilio ang coconut lumber mula Mauban, Quezon nang muli umanong ipa­kum­piska nina Rosales at Co sa kahabaan ng Tayabas.

Muli na namang nadismis ang kaso kung saan sinabi ng piskalya na walang krimen sa pagta-transport ng coconut lumber.

Nagtataka si Basilio kung bakit patuloy ang pagsuway nina Rosales at Co, kasabay ng paggigiit nito (Rosales) ng P75,000 as additional fees.

Giit naman ni Basilio, bago pa man i-transport ang coconut lumber nagbigay na siya ng P60,000 sa bawat isa.

Ang perang tinanggap umano ni Rosales ay patutunayan ng handwritten receipt habang idineposit naman umano sa bank account ang kay Co.

ALLAN RAY CO

BASILIO

CHIEF OF POLICE

COMMANDER CHIEF INSP

DIONE BUSTONERA

MARISSA BASILO

MUNICIPAL TRIAL COURT

OKTUBRE

QUEZON

TAYABAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with