Makilahok sa budget planning - Asilo
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Manila Congressman Benjamin “Atong” Asilo, Chairman sa mga samahan na aktibong lumahok sa budget planning ng kani-kanilang barangay ayon sa napapaloob sa Local Government Code na nagtatadhana ng mga alituntunin ukol sa pagbuo ng Barangay Development Council (BDC) sa buong bansa.
Napag-alaman rin mula kay Congressman Asilo, ng Manila first district at chairman ng House Committee on People’s Participation, na may memorandum cicular No. 2010-73 ang DILG na nagtatadhana ng mga alituntunin tungkol sa BDC sa bawat barangay.
Ang BDC ay siyang inatasan ng batas na maghanda ng barangay development plan at ng annual budget nito na binubuo ng barangay chairman, 7 kagawad, SK chairman, at apat (4) na galing sa people’s organization bukod pa sa kinatawan ng district congressman.
Nabatid rin mula sa kongresisa na tapos na siyang makipag-ugnayan sa mga barangay ng kanyang distrito para sa pagpapatupad ng barangay development plan at budget nito. “Kaya ako ay dumudulog sa iba’t ibang community groups na magpatala na sa kanilang mga barangay at tumulong para sa ikauunlad ng kanilang barangay,” dagdag pa ni Asilo.
- Latest
- Trending