^

Bansa

Stradcom pinaiimbestigahan sa DOJ

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dumulog sa Department of Justice ang Road Users Protection Advocates (RUPA) upang hilingin na im­bestigahan ang umano’y paglabag ng Stradcom Corp. sa kontrata nito na build-own-operate (BOO) sa Land Transportation Office (LTO) na umano’y nagresulta ng bilyon pisong hindi otorisadong koleksiyon ng Stradcom mula sa publiko.

Sa liham na ipinadala sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima, binigyan diin ni RUPA member William Obrero Jr. na ang interconnectivity fees na kinokolekta ng Stradcom mula sa publiko ay hindi kasama sa BOO contract ng LTO, at ang hindi otorisadong pangongolekta sa bayad na isa umanong uri ng krimen na plunder.

Binanggit ni Obrero ang isang pagrebisa ng LTO sa BOO contract ng Stradcom na nakalagay na P1.273 billion sa interconnectivity fees ay kinolekta ng Stradcom mula sa private emission testing centers (PETCs), at ang P950 million ay kinolekta para sa interconnecti­vity fees sa beripikasyon ng certificates of insurance coverage.

Sinabi pa ni Obrero na ang Stradcom, na nasa ilalim ng pamamahala ni Cesar Quiambao, ay patuloy na hindi sinusunod ang kautusan ng Korte Suprema noong Enero 2010 na i-refund ang P31 million na bayad ng radio frequency identification (RFID) na iligal umanong kinolekta noong 2009.

CESAR QUIAMBAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OBRERO

ROAD USERS PROTECTION ADVOCATES

STRADCOM

STRADCOM CORP

WILLIAM OBRERO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with