MANILA, Philippines - Upang matulungan ang mga graduating students sa lahat ng paaralan sa Caloocan City ay nagsagawa ng Labor Education for Graduating Students (LEGS) ang lokal na pamahalaan kasabay na rin ng month long celebration ng 49th Founding Anniversary ng lungsod.
Ayon kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri, isa sa layunin ng seminar ay ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga graduating students sa kanilang pakikisalamuha sa mga magiging kasamahan sa trabaho at kung paano ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa kanilang magiging employers upang bago pa man sumabak ang mga ito sa trabaho ay alam na nila ang kanilang mga dapat gawin.
Ipinaalam din sa mga graduating students ang labor laws, policies, standards and rules and regulations na kahaharapin ng mga ito sa kanilang panibagong hakbang sa buhay na kahaharapin, wika ni Echiverri.