^

Bansa

Labi ni Reyes ililipat ngayon sa Camp Aguinaldo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Ililipat na ngayong araw sa Camp Aguinaldo ang labi ni dating AFP Chief of Staff at dati ring Defense Secretary ret. Gen. Angelo Reyes kaugnay ng pagbibigay rito ng full military honors.

Mula sa Ascension Chapel sa Araneta Avenue, Quezon­ City, eeskortan ang labi ng military service dakong alas-10 ng umaga at inaasahang darating sa St. Ignatius Chapel ng AFP bandang alas-10:45 ng umaga. 

Nilinaw ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta na kahit nag-suicide si Reyes ay bibigyan nila ito ng full military honors dahil na rin sa mga mabu­buting naiambag nito sa tagumpay ng misyon ng AFP laban sa mga rebeldeng kalaban ng estado noong nanunungkulan ito bilang Chief of Staff at Kalihim ng Defense department.

Si Reyes ay bibigyan rin ng 19-gun salute sa paghahatid dito sa kaniyang huling hantungan sa Libingan­ ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City sa Linggo, Pebrero 13.

Magkakaroon din ng “flower drop” ang Philippine Air Force bilang huling saludo sa dating heneral.

Magugunita na noong Martes ay ginulantang ang bansa sa pagsu-suicide ni Reyes sa harapan ng puntod­ ng kanyang mga magulang sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

vuukle comment

ANGELO REYES

ARANETA AVENUE

ASCENSION CHAPEL

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF

DEFENSE SECRETARY

FORT BONIFACIO

JOSE MABANTA

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with