Presyo ng tinapay sisirit pa
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc., na sisirit pa ang presyo ng tinapay kung hindi mako-kontrol ng pamahalaan ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing sangkap sa paggawa nito.
Ayon kay Henry Ah at Antonio Lim Kit, presidente ng FCBAI, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng harina, asukal, mantika na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay ang dahilan kung bakit dinagdagan ng P2 ang “Pinoy tasty” na dating P36 at ngayon ay P38 na.
“Gusto nga namin isang taasan lang, pero hindi bumababa ang asukal at mantika, pati na gasoline na gamit namin sa pagde-deliver ng tinapay kaya nasa wait and see attitude kami ngayon sa aksiyon ng gobyerno,” ayon kay Ah.
Sinabi nito na kapag patuloy na umakyat ang presyo ng harina sa P1,000 kada 25 kilo, tiyak umano na magpapatupad na naman sila ng panibagong pagtataas sa presyo ng tinapay.
Sa ngayon ay umaabot na sa P820 ang isang bag ng harina mula sa dating P740.
- Latest
- Trending