'Loterya ng Bayan' palit sa masiao, jueteng
MANILA, Philippines - Ilulunsad ng Philippine Chartity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mayo ang “Loterya ng Bayan” kapalit ng kontrobersyal na Small Town Lottery (STL).
Ayon kay PCSO chairperson Margarita Juico, ang mga operators ay puwedeng magpatupad ng mga rules na akma sa kanilang lugar upang tuluyang masugpo ang illegal gambling na ‘jueteng’ at ‘masiao’.
Sinabi ni Juico, puwedeng gayahin ng operator ng Loterya ang mga rules ng jueteng at masiao sa kanilang lugar.
Magpapatupad din ng ‘quota’ ang PCSO sa mga operators ng Loterya sa pamamagitan ng “presumptive monthly revenue of the game operators’ upang maiwasan ang nangyari sa STL kung saan ay nadadaya ng mga operators ang gobyerno sa paglalahad ng kanilang totoong kinita.
Kampante si Juico na kikita ng P12-B ang Loterya ng Bayan sa unang buwan pa lamang ng paglulunsad nito bilang kapalit ng STL.
- Latest
- Trending