^

Bansa

Ban vs gatas mula China inalis na

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inalis na ng Department of Health (DOH) ang pina­pairal na total ban laban sa mga gatas at milk pro­ducts na gawa sa bansang China.

Nakapaskil ang memorandum order ni Health Secretary Enrique Ona sa website ng Food and Drug Administration (FDA) na nagsasabing inalis ang total ban sa mga gatas mula sa nasabing bansa matapos tiyakin ng mga importers na ang tanging aangkatin nilang gatas mula sa bansang China ay melamine-free.

Gayunman, ang mga ni-repack na milk products na walang nakalagay kung saan nagmula, walang seal of approval mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at FDA ay hindi pa rin papayagang makapasok sa bansa.

Kabilang din sa tatanggalan ng total ban ang mga dating naitala at napatunayang may sangkap na melamine subalit kailangang magsumite muna ng FDA documents na magpapatibay na melamine-free na ang kanilang produkto sa ngayon.

Nagpatupad ng total ban ang Pili­pinas noong Set­yembre 2008 laban sa mga milk at milk products na gawa sa China kasunod nang melamine scare, kung saan 50,000 sanggol sa naturang bansa ang naospital dahil sa pag-inom ng gatas na kontaminado ng melamine.

Ang melamine ay isang uri ng substance na idi­nadagdag sa gatas upang pataasin ang antas ng protinang taglay nito, ngunit maaari namang maging sanhi ng sakit sa bato.

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DRUG ADMINISTRATION

GAYUNMAN

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

INALIS

KABILANG

MELAMINE

NAGPATUPAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with