6 'madre' hinarang sa NAIA

MANILA, Philippines - Nabuko ng mga immigration agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang anim na pekeng madre habang nakapila ang mga ito sa immigration counter patungo sana sa Lebanon via Malaysia at sasakay dapat sa Cebu Pacific Airlines flight 5J501, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa mga immigration agents, hindi nila masita ang mga nagpanggap na madre dahil baka sabihin ng mga ito na wala silang respeto sa kanila.

Nang madiskubre ng mga immigration agents na sa Lebanon ang punta ng mga ito ay agad inimbitahan sila na pumasok sa intel room upang tanungin kung sino ang nagpaalis sa kanila.

“Hindi naman talaga kami mga madre pinagsuot lang kami ng ganito para lusutan kayo. Mga domestic helper kami na mamamasukan ng trabaho sa Lebanon,” sabi ng mga ito.

Gayunman, isang ma­­laliman imbestigas­yon ang isinasagawa ng BI para malaman nila kung sino ang recruiter ng mga ito.

Show comments