^

Bansa

P-Noy 'di magtatalaga ng anti-crime czar

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Walang plano si Pa­ngulong Noynoy na magtalaga ng anti-crime czar matapos maganap ang madugong bus bombing kung saan ay 5 katao ang nasawi sa Makati City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda na hindi na kaila­ngan ang anti-crime czar dahil tiwala si Pangulong Aquino sa kanyang Gabinete.

Wika ni Lacierda, walang nakikitang dahilan si PNoy na magtalaga ng anti-crime czar dahil naririyan naman ang DILG chief, PNP chief, AFP chief at ang kanyang National Security Council members.

Magugunita na ilang sector ang humiling kay Aquino na magtalaga ng permanenteng anti-crime czar matapos ang sunod-sunod na carnapping at ang bus bombing kamakailan.

Naniniwala rin ang Malacañang na hindi lubos na makakaapekto sa business climate ang nangya­ring bus bombing matapos sabihin ni Trade Sec. Gregory Domingo na sa loob ng 2 linggo hanggang 2 buwan ay malilimutan na ang nasabing karahasan at magpapatuloy ang masiglang pagnenegosyo sa bansa.

AQUINO

GABINETE

GREGORY DOMINGO

LACIERDA

MAGUGUNITA

MAKATI CITY

NATIONAL SECURITY COUNCIL

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LA

TRADE SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with